Sunday, March 27, 2011

evil sista...

Tamang blog hop lang, di pa ako maka tulog malamang naiba na ang body clock ko simula ng nag graveyard ako. Nag iikot ako sa mundo ng mga manunulat, kung saan mas lalakas ang loob na isulat nalang dito kung anu man ang nararamdaman nila kesa sabihin. Mga ka emote-tan man o ka baduyan. yan dito sa blog  wold madami nyan.

Napadaan ako sa blog ng isang dati kong tinuring na kaibigan, oo tama ang basa nyo "dati talaga". Knowing her, Alam ko when and where sya bibigay. She has a strong personality talaga. Matapang pero tahimik, at kagaya ko - MADRAMA. Ewan ko, wala na kong balita sa kanya, last thing i know, magkaaway na pala kami. Ibang level, ayoko na ding irecall, sayang lang kase i never expect na kung may mawawala man akong kaibigan simula nung umuwi ako ng Pinas e sya. Sobrang dami kase naming pinag daanan non, kala ko we will not end up this way, pero time tested us. I admit, i wrote and say some harsed words to her. Ive been hurt also sa mga binitawan nyang salita behind my back. Siguro nga ganun talaga, pag sobrang kumportable ka sa isang kaibigan at nag away kayo, sobrang masasaktan ka kase importante sayo yung tao na yon.Kala ko kase nobody can stop a good relationship we built for the longest time, until may ibang taong naka impluwensya sa kanya. I never thought na ganoon sya kadaling mawawala sakin, kala ko petty petty lang, nasa worst level na pala kami.

Siguro, i will forever miss her, everything about her. Alam ko din everything will be settled. Sa tamang panahon, kapag okey na, kapag hindi na masakit, kapag handa na. Aantayin kolang yung time na yun, kahit matagal pa. I'm praying na sana time will come na magkakasalubong kami and all we can do is to give a best hug to each other. Ako, okey na ako, tanggap kona na walang perfect na tao, lahat may flaws. Basta, sana  lang you can still recall what we have back there. Pareho naman tayo ng pinag daanun dun diba, alam na alam mo yan. Say not to late to start a new life here, say sorry kase nagkasakitan tayo - say I miss you too.
Alam ko she's happy now with the path that she's taking. Natural kase choice nya naman yun. I will still believe on her and when the world will judge her again- andito lang ako. 

Funny thing is - ibang klase kami, blogspot at twitter kami nag aaway instead of FB and YM- discrete na discrete. hahaha.




No comments:

Post a Comment