Hay buhay, diko alam kung dapat kobang i hate ang schedule ko, nasanay na ata ako ng ganung oras. Napansin kolang, parang 2 days straight na akong nagigising ng saktong 3:00 am - uhmm EMILY ROSE EFFECT ba ito? wag naman po.... Mag kwento nalang ako about our Saturday saga pagkatapos ng office hours...
After office hours, sympre kailangan na naming mag unwind dahil sa isang lingo queing at mga naka VTO yung ibang agent, wala kaming choice kung di sagutin ang bawat tawag ng telepono...It was an advantage for us kase we need more exposures diba. After work, TL Norman treated us sa Jollibee, at dahil mega pagod na yung iba at hagardness na ang mga mukha, kalahati nalang ng team ang sumama- at dahil kainan yun, PRESENT ako. Sus, hangang sa jollibee, office related padin ang topic, nakakaloka talaga.
Naisipan naming manuod ng sine ni Rica at Tracy, last week pa napurnada yung lakad namin na yun, at kailangan naming magintay pa ng 3 hours dahil 10 am pa nag bubukas ang mall. Ikot ikot muna kami sa shopwise at namili ng mga kung anek anek, pampalipas oras lang. Bago pa kami makarating e tila nauubos na ang energy namin- lalu na sila. Naikot na ata namin ang buong festival mall bago magbukas ang sinehan. sakto 10 am ng pumila kami sa counter para bumili ng tatlong ticket. scenario:
Meane : Miss 3 tickets fro Catch me im fallen
Counter : ay maam 10:25 pa po ang open ng cinema.
Rica : ay hindi papasukin nyo na kami kahit maupo lang kami sa loob
Counter: ay dipo kase.....tatanung kopo muna....
after ilang minuto....
Counter : sige po maam pasok na po kayo..
Hahaha. di kinaya nung ale super bangang na kase kami nung mga oras na yon. Pag pasok namin sa loob, sympre as expected kami palang ang tao, namili kami ng magandang upuan kung san pwede naming itaas ang mga paa namin at isiping nasa bahay lang kami. Ayan na...ayan na si Sarah - Nakakaloka si Sara , ang galing nya talaga, napakaingay namin na di manlang namin naisip na madami na palang tao sa likuran namin. In fairnes bagay silang dalawa ha. Not so bad to spent 160 pesos para sa movie na yon. at paglabas namin ng cinema- ampotah, ang mga itshura namin, para na kaming empty battery. Si tracy- nawala na ang make up hagardness na..
After maunod ng movie, umuwi na ang dalawa, pero ako diretcho pa akong sm bicutan para antayin si kit ant mag grocery ng konte. Bumili kaming rice cooker at mga plato para sa bahay namin. Ikot ikot din sa sm na para bang kumpletong kumpleto padin ang tulog ko. Nakakaloka kase para akong naglalakad sa clouds hahahaha. At dahil sympre paguwi namin ay nakita ko na pinaka mamahal kong kama. wala pang 5 minutes bagsak na ako mga 7 pm na nun...
No comments:
Post a Comment