Lumindol, umulan at isang napaka malas na umaga. Naisip kong dumaan sa Bellevue para kumuha ng extra paper bag para sa regalo ko kay Tin. Habang palakad sa gilid ng Bellevue naisipan ko nang mag withdraw sa ATM machine, pumasok ako sa booth, may lumapit na babae at nagtanung kung ayus na raw ba ang machine kase nung isnag araw daw unavailabe yon. Sabi ko naman wala nmn problema, gumagana naman sya. After ilang segundo pagkalabas ng pera mula sa machine, tinutukan ako ng kutsilyo nung babae at pinapasok nya na yung isang kasama nyang lalaki. Nalalamig na ako nun, kinuha nila kaagad yung pera ko sa ATM na worth 3800 pesos. Sa sobrang takot ko sa hawak na kutsilyo nung babae, binigay ko din yung pera, unang lumabas yung lalaki at tumingin tingin sa labas ng booth. at dahil maulan, kami lang ang taon ata sa daan. Kinuha nung babae yung ATM ko at tumakbo. May 20 steps na din siguro ng tinapon nya ung atm ko sa kalsada. Hinabol ko sila at sigaw ako ng sigaw. Sa kasamaang palad at walang taon dun na malapit sakin, kala nila nababaliw lang ako don. Sinubukan ko silang habulin at tumawag ng kasama pero wala namang andun o kahit na available na guard. At dahil pursigido akong mahabol sila, ayun natapilok ako dahil sa kasamaang palad, masakit pa nga pala ang binti at katawan ko. Binalikan ko yung atm sa kalsada at naglakad na para lang akong tanga sa daan. Hay ang malas ko talaga, parang kelan lang nawalan na ako ng 1000 pesos. Buti sana kung kinukupit ko yun, pinagtrabahuhan ko kaya yun. bwisit. Napilay pa ako dahil sa pagkaka tapilok ko. Iika ikaw pa akong sumakay sa dyip. Yun nalang ang naaalala ko sa sobrang bilis ng mga pangyayare. Nakakatakot, Buti nalang may pera ako sa bag. Weirdong mga holdaper yun, hindi pinagnasahan yung bag ko, sadyang pera talaga ang kinuha. Sana lang kailangan kailangn nila yun more than i do. Hay LORD!!!! I bless mo sila, pati na din ako --- pilay pa ako ngayon...
No comments:
Post a Comment