Monday, November 14, 2011
I'M A WORKING PROGRESS
Eto na ang ika limang araw ng leave ko...oo tama kayo, mas masarap din palang pumasok sa office. Libre aircon pa! Ramdam na ramdam ko na ang ibig sabihin ng salitang T.A.M.B.A.Y! Nakakamiss ang mga provider, ang mga makukulit na provider...ang mga Indiano. Ilang beses ko ba sinasabi ang "Thank you for calling provider care, this is Anne how can i assist you?" hindi ko na alam, patay ako sa TL ko pag nalamang hindi ko na tratrack mga calls ko sa tracker.. haba AHT o nun ah! Aaminin ko madalas Irate agent ako, bwisit kase yung iba, nananadya nalang, pero kahit na anung inis ko sa kanila, hindi ko naman ma drop drop yung call. AYOKO!!! Mahal ko pa naman work ko. Minsan na tetempt talaga ako pero iniisip ko nalang, yun ang trabaho ko. May mga provider ba abusado, meron namang mababait pero teka san koba icoconsider si VICKY O..hmm cge pareho nalang with commendation! Sana mag tuloy tuloy na ang improvement ko. I'M A WORKING PROGRESS. Ayoko na mag ka error, sabi ko nga, been there.. done that!!! Di bale papasok na ako bukas ng gabe...hmmm maninibago ako, pwede kaya mung mag side jack..hahaha! ang kapal ko!
If boredom is a disease, mine is terminal.
at dahil 5 days akong naka leave eto nalang ang nasabi ko. If boredom is a disease, mine is terminal. Nakakainip din pala yung ganito, pero sa totoo lang, mas masarap pang patulog sa office kesa dito sa bahay. Namiss ko mag blog kaya eto na naman ako. Habang nakatanga sa kwarto, ayun nasira naman ang desktop at dahil dun nag tyatyaga ako sa netbook, eto na ata si karma.
Sa totoo lang, hindi naman ako fanatic ni Pacman, wala din akong kahilig hilig sa boxing, o kahit anung sport. Mas in ako sa computer or surfing at ngayon ko lang napag isip isip NAPAKA BORING KO PALA. Pero dahil in kahapon si Pacman, nanuuod kami sa watchpad kasama ang tropa. Pag sumisigaw yung mga kasama ko, sumisigaw narin ako. Napansin kolang si Pacman pahaba ng pahaba ang shorts sa dami ng endorsement baka sa susunod naka jogging pants na yun.
Habang pinapanuod ko si Pacman, hindi maiwasang hanapin ko si Madam Jinkee, at huwaw! bagong hairstyle ang lola mo. Diko na hinanap si Mommy Dionisia at baka ma out of focus ako sa game. Habang tumatagal ang laban napapansin ko na di umaabot suntok ni pacman, bitin eh! round four palang nakikinita kinita kona. Masyado akong busy nun dahil nag uupdate din ako sa bbm. Multi-tasker ang peg ko kahapon.
Round 12 na, alam na alam na ng karamihan kung sino ang nanalo. pero infairness sa people champ. while Marquez is praising himself, Pacman is praying. at that point medyo na captured ako ni Pacman. Ayus naman si Pacman e wag lang kakanta tska wag lang papel si Madam Jinkee at Mag sasayaw si Mommy Dionisia.
At ayun na! sinabi na kung sino ang nanalo... Nadali pa ni Pacman, ewan ko kung anu o kung san ang basehan nila. Hindi ko nman magets dahil hindi ko forte ang boxing. Ang alam ko lang kahapon ay huminto panandaliaan ang mundo ng mga Pilipino dahil sa laban nayon. Sabi ng iba wala daw kwenta ang laban ni PAcman, try kaya nila mag pa suntok kay Marquez ng malaman nila ang ibig sabihin ng salitang walang kwenta.
Subscribe to:
Posts (Atom)