Monday, November 14, 2011

If boredom is a disease, mine is terminal.

at dahil 5 days akong naka leave eto  nalang ang nasabi ko. If boredom is a disease, mine is terminal. Nakakainip din pala yung ganito, pero sa totoo lang, mas masarap pang patulog sa office kesa dito sa bahay. Namiss ko mag blog kaya eto na naman ako. Habang nakatanga sa kwarto, ayun nasira naman ang desktop at dahil dun nag tyatyaga ako sa netbook, eto na ata si karma.

Sa totoo lang, hindi naman ako fanatic ni Pacman, wala din akong kahilig hilig sa boxing, o kahit anung sport. Mas in ako sa computer or surfing at ngayon ko lang napag isip isip NAPAKA BORING KO PALA. Pero dahil in kahapon si Pacman, nanuuod kami sa watchpad kasama ang tropa. Pag sumisigaw yung mga kasama ko, sumisigaw narin ako. Napansin kolang si Pacman pahaba ng pahaba ang shorts sa dami ng endorsement baka sa susunod naka jogging pants na yun.

Habang pinapanuod ko si Pacman, hindi maiwasang hanapin ko si Madam Jinkee, at huwaw! bagong hairstyle ang lola mo. Diko na hinanap si Mommy Dionisia at baka ma out of focus ako sa game. Habang tumatagal ang laban napapansin ko na di umaabot suntok ni pacman, bitin eh! round four palang nakikinita kinita kona. Masyado akong busy nun dahil nag uupdate din ako sa bbm. Multi-tasker ang peg ko kahapon.

Round 12 na, alam na alam na ng karamihan kung sino ang nanalo. pero infairness sa people champ. while Marquez is praising himself, Pacman is praying. at that point medyo na captured ako ni Pacman. Ayus naman si Pacman e wag lang kakanta tska wag lang papel si Madam Jinkee at Mag sasayaw si Mommy Dionisia.

At ayun na! sinabi na kung sino ang nanalo... Nadali pa ni Pacman, ewan ko kung anu o kung san ang basehan nila. Hindi ko nman magets dahil hindi ko forte ang boxing. Ang alam ko lang kahapon ay huminto panandaliaan ang mundo ng mga Pilipino dahil sa laban nayon. Sabi ng iba wala daw kwenta ang laban ni PAcman, try kaya nila mag pa suntok kay Marquez ng malaman nila ang ibig sabihin ng salitang walang kwenta.

Tapos na ang laban, pero bakit ang inggay padin sa twitter at facebook. Hindi maka pag move on ang mga bektas. Pwede naman sigurong maging happy nalang diba? unless Mexicano sila...


No comments:

Post a Comment