Sunday, May 2, 2010

BABAE

Ang babae, nirerespeto, inaalagaan!Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan.Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan.At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw.Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan.”

“Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan.

Imbis na magtanong ka ng “Hindi pa ba sapat?” Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na sya.

Wag kang magpadala sa salitang “sorry” at “ayokong mawala ka”

kung totoo yun,patunayan nya.”

“Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sayo ay ginagawa din niya sa iba? “

sabi nila kahit ano daw problema, isang tao lang ang makakatulong sa yo - ang sarili mo…. kaya siguro namigay ng konsensya ang dyos, alam nyang hindi sa lahat ng oras gumagana ang utak ng tao”

“minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka…. ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay ng walang tatatawa, magagalit, magtatanong o magbibilang kung ilang beses na kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi”

“hayaang maisip ko na may sarili din akong barko. obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko”

“paghahangad ng diploma - ritual yon, tradisyon, sakramentong hinihingi ng lipunan para makapagtrabaho ka at kumita nang disente. at oo, para na rin respetuhin ka ng ibang tao”

“parang ‘times up’ ang reunion, ‘pass your papers, finished or not’. oras na para husgahan kung naging sino ka o kung naging magkano ka”

“kung pumapasok tayo sa eskwela para lang makahanap ng trabaho at kumita ng pera balang-araw, di na nakakapagtaka kung bakit marami ang namamatay na mangmang. nakalimutan na ng tao ang kabanalan nya, na mas marami pa syang alam kesa sa nakasulat sa transcript of records nya, mas madami pa syang gawin kesa sa nakalista sa resume’ nya at mas mataas ang halaga nya kesa sa presyong nakasulat sa payslip nya tuwing sweldo”

“habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo at mauubos ang oras”

“hindi pala exam na may passing rate ang buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration o fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala”

“marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. maraming teachers sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo”

“paggawa na ba ng kabutihan ang hindi paggawa ng kasamaan?”

“ang kapangyarihan ay tatagal lang ng ilang taon - anim, sampu, dalawampu…. pero ang impluwensya daang taon”

“handa ka bang magtanim ng batas sa gubat? kaya mo bang ipag utos sa mga hayop ang respeto? desidido ka bang damitan sila ng dangal at prinsipyo? determinado ka bang sugpuin ang kabangisan? nais mo bang magturo ng malasakit sa kapwa at pagkakaisa? kakayanin mo bang magpadikta sa bulong ng konsensya? gusto mo ba talagang makialam sa natural na takbo ng buhay - sa gubat?”

Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”

No comments:

Post a Comment