Sunday, May 2, 2010

How and when you will know the right time to let go of your special someone?

FIRST. Kung sinaktan ka niya “physically”. It is a big FOUL. If he/she truly loves you, di niya gagawin yun. Kahit pa sabihin niyang nabigla lang siya or naasar lang talaga siya nung time na yun. There is no valid reason para gawin niya yun sayo. In the first place, di naman yun ginagawa ng parents mo kahit na sila ang bumubuhay satin, sila pa kaya? Next, sino ba sila para gawin yun? Kung ginawa niya sayo ito, it only means that kailangan mo na siyang hiwalayan.

SECOND. Foul words are not allowed. Alam na rin naman natin kung anu-ano ang limitasyon natin sa isa’t-isa. Kung nagsabi siya ng mga unwanted words or foul words sayo, automatically masasaktan ka emotionally. Natural lang naman sa isang relationship ang magkaroon ng misunderstanding, pero wag kang papayag na paulit-ulit niyang sabihin sayo ang mga foul words na yan. If he does, that’s the time you must let go of him.

THIRD. Don’t set aside the misunderstandings between you and your partner. For example, once nakita mo may kasamang ibang girl yung boyfriend mo tapos masaya silang nag-uusap, there will be a possibility na magseselos ka. So after tha, siyempre tatanungin mo siya kung bakit niya kasama yun, anong pinag-usapan nila?, etc. Pag sinagot niyang: “Ah wala yun, bayaan mo na yun.”, wag kang papayag na ganun lang. Di dapat ganun, dapat sa isang misunderstanding, naliliwanagan kayong dalawa towards your mistakes. Kaya nga misunderstanding eh, pag-uusapan niyo para maiintindihan, para malinaw. Kung ganyan lang siya ng ganyan, just let go.

FOURTH. In a relationship, may mga times na malapit at malayo kayo sa isa’t-isa. Pero kung ang gusto ng partner mo na siya lang ang dapat mong bigyan ng time, that’s the time to let go of him. Kasi kung ganun lang ang gusto niya, di kayo matutong makisama sa iba’t-ibang klase ng tao at iba’t-ibang klaseng sitwasyon. Gets? Pag ganun siya ibig sabihin nun, selfish siya, at hindi dapat ganun.

I hope you learn something form this stuff. I just wanna share my ideas and thoughts to all of you. ^__^

No comments:

Post a Comment