Monday, May 3, 2010

Sa Inuman

Sa Inuman:

1. Pag abot ng baso- 3 minutes ang pinakamatagal na pag hintay. Mag bigay konsiderasyon sa mga ibang umiinom-sundin ang gintong kasabihan “Di bale mag tagal k**s at s*s* wag lang sa baso”

2. Pag katapos tumagay-ibalik sa tanggero ang baso-tinagayan ka na, baka nmn pedeng iblik mo sa knya. Hindi ka prinsipe.

3. Ang chaser ay panawid lasa-hindi panawid uhaw. Dun ka sa gripo lumaklak kung kktapos mo lng mag gym.

4. Iwasan mag tapon ng alak, binabyran yan. Di ka pa nga ata nag ambag… aaksayin mo pa.. tigas ng mukha tlga.. hehehe.

5. Siguraduhing mag aambag ka sa inuman-tigas mo nmn kung mkikiinom k ng libre-pede k lng malibre kung nilibre ka nila or niyaya ka kht sbi mong wla kang pera.

Sa pulutan:

1. Una sa lahat, ang pulutan at panawid pait, hindi pnwid gutom-kumain ka sa inyo kung gutom ka. Wag kang kung-fu kid! haha.

2. Pag gngmitan ng tinidor, huwag mong kakamayin-pra kang wlang piang aralan.

3. Pagkain ng isda, hindi bnblgtad-sbi nila sa mga marino galing ang istilo na to pra hindi tumaob ang barko.

4. Huwag mag reklamo kung ano ang nkahain. Tandaan mo hindi ‘to fiesta, inuman to.

5. Ang tinik, buto at mga parteng hindi makakain ilagay sa tabi-huwag kang baboy.

Kung hindi ka tanggero, guitarista at birthday boy/girl-pede kang mag luto at tumulong sa iba pang gawain sa inuman. Hindi ka pinanganak na senyorito, kung pakiramdam mo hari ka- dun ka sa kaharian mo mag inom.

Asal sa Mesa:

1. Kung isa lang ang tinidor, huwag mag inarte-Koboy dapat. Inuman to-hindi sosyalan.

2. Sa kwentuhan, alam namin na kayo ang pinaka -siga, maraming chicks, mayaman, maporma at pinaka magaling sa lht ng bgy. Kuwag mo ng ikwento.

3. Pag bisita ka, makitawa sa mga joke nila- makihalubilo, aalukin ka nila ng ilang beses pero wag mong abusuhin-hindi ka sanggol.

4. Huwag ka ring masyadong pasikat-ok lang mag kwento pag dayo ka-huwag ka lang kupal.

5. Huwag na huwag mambabara kung bisita ka. pede lang mambara kung kupal ang binara.

6. Irespeto ang opinyon ng iba tulad ng pag respeto mo sayo.

7. Pag hindi mo na kya- pwedeng pumas- huwag kang pasikat-kupal ang dating mo non.

8. Mag patawa ka para masaya-kung mang aasar ka sa tropa siguraduhing nkktawa, hindi panlalait. Konsiderasyon sa bisita.

9. Huwag makipag sabayan. Buraot ang alagaing lasing.

10. Bigyan ng pugay ang nag painom at may birthday-wag kang agaw eksena.

11. Goodtimes lagi.

After Inumam:

1. Ugaliing tumulong mag ligpit.

2. Kung di na kaya humiga sa isang tabi.

3. Kung di tumutulong mag ligpit, huwag makulit.

4. Huwag kalimutan mag paalam sa nag painom at mga kainuman.

5. Kung aalis sa kalagitnaan ng inuman, gawing habit ang mag iwan ng pang ambag.

Suka Tips:

1. pag naduduwal na, kumuha ng matamis pra may pang sabay sa bibig kpag nag lalaway na.

2. Huwag mag yoyosi pag nasusuka na, iba ang epekto ng usok sa tyan pag nakainom.

3. Pag nakakaramdam na ng suka, tumayo agad at dumiretso sa pinkamalapit sa sukahan- (banyo, inidoro)

4. Mag mumog lagi pag katpos sumuka-kadiri ang bibig mo brad.

5. At kung plano pang bmlk sa mesa-siguraduhing malinis ang itsura pra di ka itaboy.

Tanggero Tips:

1. Bilang punong naatasan sa pag pasa ng tagay, siguraduhing kumpleto ka ng gamit ulad ng: tabo ng tubig (pang banlaw ng baso pag beer ang iniinom), pambukas at lighter.

2. Obligasyon mo ay ipasa ang tagay sa lahat ng manginginom, mga nag ambag-alukin ang lht ng bisita.

Sa mga manginginom:

1. Pakunsuwelo sa mga nag painom at tanggero, alalayan sila tulad ng pag replenish ng yelo, pulutan, pag bili ng pulutan at pag papalit ng music kung walang nakaatasang dj.

2. Ipanatiling masaya ang inuman, makinig sa ssbhn ng iba kung drama at mag saya pra makalimot sa problema.

Mabuhay ang mga manginginom!!!

No comments:

Post a Comment