Sunday, May 2, 2010

gusto ko..

Gusto ng isang taong mahal ako, yung tipong mahal ako bilang ako, sabagay anu pabang pwedeng mahalin sakin e my attitude problem din naman ako(lahat naman diba). Di naman ako ganung ka maldita kase I know deep down inside my heart e mabuting tao din ako. Madali akong mapikon at maasar lalu na sa mga taong feeling magaling. Not to say na naiinsecure ako. yung mga taong pa bida.Pa star.

Gusto ko ng taong mahal ang pamilya ko. Kase para sakin sila ang pinaka importante sa balat ng mundo. Yung tipong makakasundo mga kapatid ko at pabor ang magulang ko.

Gusto ko yung tipo ng tao na mababaw lang ang gusto, kase sa totoo alng mababaw din ako. Tamang sa isang relasyon dadating sa puntong may away. Pero it doesn’t matter kung ilang beses tau magaway kundi ilang beses tau magbabati.

Gusto ko yung taong sensitive. Yung pagnagkita kau, may connection kagad, may impact!. Yung tipo ng tao na pagnakita kang umiiyak e sasabihin tahan na, hindi yung ikaw kase. Ayoko ng argue. Sumasakit lang ulo ko, akse paikot ikot lang yun na “ikaw kase”. Yung tipo ng tao na sasabay sa agos ng buhay ko. sympre yung willing.! yung walang sekreto, yung walang tinatago. Yung kayang sabihin lahat saakin at taas noon kang pwedeng ipagmalaki.Yung tipo ikaw ang pipilin above all without any single hesitations.

Yun. Yung taong Yun ang GUSTO KO♥

No comments:

Post a Comment