Monday, May 3, 2010

usapang puso at utak

pangako…

Tagapagsalita: Ilang beses ko na ring narinig yang word na yan, at ilang beses ko na ring nasambit yan, sa sarilli ko at sa ibang tao. Minsan, dahil sa salitang yan, nakakasakit tayo sa kapwa natin at lalo sa mga mas malalapit sa atin. Kasi kailangan nating sundin. Kailangan nating gawin. Kasi kung hindi, bawas points sa pagkatao natin. Pero minsan din, ilang beses na nating hindi ginagawa, pero walang effect. Siguro kasi mga maliliit na bagay lang un. Pero kahit na, kahit na maliit na bagay na nilagyan ng pangako, kailangan tuparin di ba? Lalo na pag ang sangkot eh puso.

Minsan din, mahirap kasing tuparin dahil sa mga personal na rason. Minsan din mga personal na rason, na hindi naman talaga naayon sa sitwasyon, kailangan lang talagang putulin at wag gawin. Sabihin na nating para hindi masyadong madurog ang isang puso. O kaya sabihin na natin, para sa ikabubuti ng dalawang puso. Nakakainis minsan kasi bakit pa kailangang may rason pag hindi natupad ang isang pangako. Nakakasakit lang kasi ng damdamin pag hindi un nakuha eh. Nagbibigay lang ng pag asa at liwanag na kalian man hindi pala totoo.

Noong nakaraang araw lang, pinangakuan ako. Sa dami ng mga pangakong hindi ko nakuha, dapat pa ba akong umasa sa pangakong un? Kakayanin ko pa kaya kung hanggang kailan ako maghihintay na matupad un? Lalo na at sangkot ang aking puso. Ang hirap mag expect na 50-50 ka kung mangyayari ba un o hindi. Ang hirap magtiwala na nagdadalwang isip ka kung this time matutupad. Ang hirap umasa pag nararamdaman mong wala naman talaga. At mas lalong mahirap ang pilitin mo ang iyong sarili na wag ng umasa at maniwala kung ang puso mo naman eh kabaliktaran ang kayang gawin.

Tunghayan ang pag uusap nina puso at utak ng dalawang araw.

Puso: Sana hindi ako mapagod sa kahihintay sa pangakong un.

Utak: Gaga! Martyr ka ba? Marami ka ng narinig na pangako, natupad ba lahat un? Hahayaan mo na naman bang magdugo ka bago ka matauhan?

Puso: Iba naman siguro ngaun kasi xa, minahal niya ako.

Utak: Bakit, minahal ka nga ba niya? Kung minahal ka niya, hindi ka niya hahayaang malunod sa iyak mo. Kung mahal ka niya gagawin niya ang lahat para maging masaya ka.

Puso: Sabi nila, sa pag ibig, kailangan ng space. Siguro un ang nangyayari sa amin ngaun kaya niya ako iniwan saglit.

Utak: Saglit? Ang tanga mo naman! Hindi un saglit loka! Habang buhay un. Wag kang maniwala na panandalian lang yan. At space ba kamo? Literal na space naman yang sinasabi mo eh. Dapat nga ngaung magkalayo kau, dun matetest kung talagang mahal ka ng minamahal mong yan eh. Tsaka dai, ilang bwan lang iniwan ka na nya sa ere.

Puso: Kahit na, nagsisi naman xa eh.

Utak: Ang tanga! Ang tanga! Ang tanga! Hindi ka pa ba nakakaramdam ha? Ilang batok ba ang kailangan mo para magising ka sa kaadikan mo sa kanya ha? Nagsorry lang xa sa ginawa niya sa u pero hindi ibig sabihin nun, nagsisisi xa at gusto ka niyang balikan!

Puso: Ganun talaga ano ka ba.. Sabi nila, sa ngalan ng pag ibig, nakakaya nating maging tanga at loka loka. Pano kung narealize niya na mahal pa rin nya ako at hindi lang niya masabi kasi nahihiya xa sa ginawa niya sakin? Pano kung meron nga talagang tamang panahon para sa dalawang pusong minsaý pinaglayo ng tadhana?

Utak: Dai, sa mga movies lang at libro nangyayari ang mga yan, hindi yan nangyayari sa totoong buhay. Kung meron man, one in a million lang un. At wag ka ng umasa sa one percent na yun! Malabo dai, malabo.

Puso: Malay mo totoo?

Utak: Gaga, pano kung ung tamang panahon na sinasabi niya eh, ung panahon na wala ka na sa kalendaryo?

Puso: Dai, kahit uugod ugod na ako, o kaya naman ay palibutan na ng agiw ang buong katawan ko, hihintayin ko. (lolz.. kaya ko kaya un??)

Utak: Anak shuta naman oh. Sana hindi ka na lang pinanganak! Sayang yang matris mo. (haha) Pero dai, wag na wag mo kong sisisihin pag yang pangakong yan, hindi natupad. Bahala ka sa buhay mo! Maghintay ka kung may mahihintay ka pa.

Tagapagsalita: Hay, ang hirap magdesisyon noh? Lalo na pag kalaban mo puso. Sana lang makakaya ko to. Sana lang matutupad nga ang pangakong un.

No comments:

Post a Comment